Friday, October 7, 2011

Weekend Task...

Mula kay ate Reina...


Enjoy lang sa pagsagot. :D


QUESTION: Kung magtatanong kayo sa Prom, PAANO niyo ito gagawin at BAKIT?


- hindi dapat lalampas sa 10 SIMPLE/COMPOUND sentences (susko, wag kayo mag compound complex xD)
-send me your answers at reina_adriano@yahoo.com.ph within this weekend (pag nahihiya kayo)
- kung 'di naman, ilagay niyo na lang sagot niyo sa FJ thread sa FB :-j
- make it as creative as you can
- pag may nagkaparehas, 5.0 na sa FJ =)))) joke lang, but stiiilllll dapat di parehas =)


- LAHAT nang isusulat niyo ay lalabas sa LIBANGAN page natin ;)


Malay ninyo, mabasa nga ng gusto ninyong i-ask. Haha, may spoilers na siya. jk =))) 

Perio, Next Week na!

TUTULDUKAN na ni Ma'am Guimarie ang 2nd Quarter sa Huwebes, ika-13 ng Oktube, taong kasalukuyan.
     Dapat paghandaan na natin 'to guys. Ngayon pa lang, mag-isip a kayo ng mga topic na possibleng ibigay ni Ma'am tapos maghanap na rin kayo ng mga impormasyon tungkol sa mga paksang iyon.
     Kaya natin 'to! Hindi tayo patitinag! Go FJ!!!

Saturday, October 1, 2011

Mga Uri ng Pangulong Tudling

  1. Pangulong Tudling na Nagpapabatid (Editorial of Information) - layuning mabigyan diin ang kahalagahan ng isang pangyayari o mabigyan linaw ang ilang kalituhang bunga nito
  2. Pangulong Tudling na Nagpapakahulugan (Editorial of Interpretation) - nagpapaliwanag ng kahalagahan o kahulugan ng pangyayari
  3. Pangulong Tudling na Nakikipagtalo (Editorial of Argumentation) - hinihikayat ang mga mambabasa upang pumanig sa ideya o paniniwala ng manunulat
  4. Pangulong Tudling na Namumuna (Editorial of Criticism) - kapwa inihaharap ng sumulat ang mabuti at masamang katangian ng isang isyu
  5. Pangulong Tudling na Naghihikayat (Editorial of Persuasion) - binibigyang diin ang mabisang panghihikayat
  6. Pangulong Tudling na Nagpaparangal o Nagbibigay Puri (Editorial of Appreciation, Commendation or Tribute) - pumupuri sa isang taong may kahanga-hangang nagawa
  7. Pangulong Tudling na Nagpapahayag ng Natatanging Araw (Editorial for Special Occassion) - ipinaliliwanag ang kahalagahan ng mga tanging okasyon
  8. Pangulong Tudling na Panlibang (Editorial of Entertainment)* - layuning makalibang, sinusulat sa paraang di-pormal, masaya, kung minsa'y sentimental, at karaniwang maikli lamang
  9. Pangulong Tudling na Nagsasaad ng Panagano (Mood Editorial)* - nagpapahayg ng pilosopiya, malimit na pinapaksa ang kalikasan
  10. Pangulong Tudling na Bakasan (Pooled Editorial)* - sinulat ng lupon ng mga patnugot sa iba't ibang paaralan at sabay-sabay na nilathala sa kani-kanilang pahayagan
  11. Pangulong Tudling na Batay sa Tahasang Sabi (Editorial Liner)** - isang pangungusap o isang talatang tumatalakay sa isang napapanahong pangyayari o balita at nasusulat sa paraang di-pormal; inilalagay sa katapusan ng tudling pang-editoryal. Kung minsa'y hindi ito sarili ng sumulat, kundi pangungusap ng isang dakilang tao
          * bihirang malathala...
          ** bihira din yata...

Matapos ang budget cuts sa state colleges at universities, at ang inaasahang implementasyon ng K+12, masasabi nga bang ang kalidad ng edukasyon sa Pinas ay inversely proportional sa budget sa edukasyon?