Saturday, October 1, 2011

Mga Uri ng Pangulong Tudling

  1. Pangulong Tudling na Nagpapabatid (Editorial of Information) - layuning mabigyan diin ang kahalagahan ng isang pangyayari o mabigyan linaw ang ilang kalituhang bunga nito
  2. Pangulong Tudling na Nagpapakahulugan (Editorial of Interpretation) - nagpapaliwanag ng kahalagahan o kahulugan ng pangyayari
  3. Pangulong Tudling na Nakikipagtalo (Editorial of Argumentation) - hinihikayat ang mga mambabasa upang pumanig sa ideya o paniniwala ng manunulat
  4. Pangulong Tudling na Namumuna (Editorial of Criticism) - kapwa inihaharap ng sumulat ang mabuti at masamang katangian ng isang isyu
  5. Pangulong Tudling na Naghihikayat (Editorial of Persuasion) - binibigyang diin ang mabisang panghihikayat
  6. Pangulong Tudling na Nagpaparangal o Nagbibigay Puri (Editorial of Appreciation, Commendation or Tribute) - pumupuri sa isang taong may kahanga-hangang nagawa
  7. Pangulong Tudling na Nagpapahayag ng Natatanging Araw (Editorial for Special Occassion) - ipinaliliwanag ang kahalagahan ng mga tanging okasyon
  8. Pangulong Tudling na Panlibang (Editorial of Entertainment)* - layuning makalibang, sinusulat sa paraang di-pormal, masaya, kung minsa'y sentimental, at karaniwang maikli lamang
  9. Pangulong Tudling na Nagsasaad ng Panagano (Mood Editorial)* - nagpapahayg ng pilosopiya, malimit na pinapaksa ang kalikasan
  10. Pangulong Tudling na Bakasan (Pooled Editorial)* - sinulat ng lupon ng mga patnugot sa iba't ibang paaralan at sabay-sabay na nilathala sa kani-kanilang pahayagan
  11. Pangulong Tudling na Batay sa Tahasang Sabi (Editorial Liner)** - isang pangungusap o isang talatang tumatalakay sa isang napapanahong pangyayari o balita at nasusulat sa paraang di-pormal; inilalagay sa katapusan ng tudling pang-editoryal. Kung minsa'y hindi ito sarili ng sumulat, kundi pangungusap ng isang dakilang tao
          * bihirang malathala...
          ** bihira din yata...

6 comments:

Matapos ang budget cuts sa state colleges at universities, at ang inaasahang implementasyon ng K+12, masasabi nga bang ang kalidad ng edukasyon sa Pinas ay inversely proportional sa budget sa edukasyon?