Mula kay ate Reina...
Enjoy lang sa pagsagot. :D
QUESTION: Kung magtatanong kayo sa Prom, PAANO niyo ito gagawin at BAKIT?
- hindi dapat lalampas sa 10 SIMPLE/COMPOUND sentences (susko, wag kayo mag compound complex xD)
-send me your answers at reina_adriano@yahoo.com.ph within this weekend (pag nahihiya kayo)
- kung 'di naman, ilagay niyo na lang sagot niyo sa FJ thread sa FB :-j
- make it as creative as you can
- pag may nagkaparehas, 5.0 na sa FJ =)))) joke lang, but stiiilllll dapat di parehas =)
- LAHAT nang isusulat niyo ay lalabas sa LIBANGAN page natin ;)
Malay ninyo, mabasa nga ng gusto ninyong i-ask. Haha, may spoilers na siya. jk =)))
Tunay na Fil Journ 2013
Friday, October 7, 2011
Perio, Next Week na!
TUTULDUKAN na ni Ma'am Guimarie ang 2nd Quarter sa Huwebes, ika-13 ng Oktube, taong kasalukuyan.
Dapat paghandaan na natin 'to guys. Ngayon pa lang, mag-isip a kayo ng mga topic na possibleng ibigay ni Ma'am tapos maghanap na rin kayo ng mga impormasyon tungkol sa mga paksang iyon.
Kaya natin 'to! Hindi tayo patitinag! Go FJ!!!
Saturday, October 1, 2011
Mga Uri ng Pangulong Tudling
- Pangulong Tudling na Nagpapabatid (Editorial of Information) - layuning mabigyan diin ang kahalagahan ng isang pangyayari o mabigyan linaw ang ilang kalituhang bunga nito
- Pangulong Tudling na Nagpapakahulugan (Editorial of Interpretation) - nagpapaliwanag ng kahalagahan o kahulugan ng pangyayari
- Pangulong Tudling na Nakikipagtalo (Editorial of Argumentation) - hinihikayat ang mga mambabasa upang pumanig sa ideya o paniniwala ng manunulat
- Pangulong Tudling na Namumuna (Editorial of Criticism) - kapwa inihaharap ng sumulat ang mabuti at masamang katangian ng isang isyu
- Pangulong Tudling na Naghihikayat (Editorial of Persuasion) - binibigyang diin ang mabisang panghihikayat
- Pangulong Tudling na Nagpaparangal o Nagbibigay Puri (Editorial of Appreciation, Commendation or Tribute) - pumupuri sa isang taong may kahanga-hangang nagawa
- Pangulong Tudling na Nagpapahayag ng Natatanging Araw (Editorial for Special Occassion) - ipinaliliwanag ang kahalagahan ng mga tanging okasyon
- Pangulong Tudling na Panlibang (Editorial of Entertainment)* - layuning makalibang, sinusulat sa paraang di-pormal, masaya, kung minsa'y sentimental, at karaniwang maikli lamang
- Pangulong Tudling na Nagsasaad ng Panagano (Mood Editorial)* - nagpapahayg ng pilosopiya, malimit na pinapaksa ang kalikasan
- Pangulong Tudling na Bakasan (Pooled Editorial)* - sinulat ng lupon ng mga patnugot sa iba't ibang paaralan at sabay-sabay na nilathala sa kani-kanilang pahayagan
- Pangulong Tudling na Batay sa Tahasang Sabi (Editorial Liner)** - isang pangungusap o isang talatang tumatalakay sa isang napapanahong pangyayari o balita at nasusulat sa paraang di-pormal; inilalagay sa katapusan ng tudling pang-editoryal. Kung minsa'y hindi ito sarili ng sumulat, kundi pangungusap ng isang dakilang tao
* bihirang malathala...
** bihira din yata...
Friday, September 23, 2011
Sangkatutak na Gawain, Isusumite Daw sa Lunes
TILA TINAMBAKAN tayo ng mga gawain ngayong weekend na isusumite daw sa Lunes, taong kasalukuyan.
Ayon kay Gng. Guimarie, sa Lunes daw ipapasa ang balita tungkol sa mga organisasyong kinapanayam o kakapanayamin natin. Idinagdag niya rin ang isa pang takdang aralin kung saan maghahanap tayo ng limang halimbawa, Ingles man o Filipino, sa bawat uri ng Ulo ng Balita.
Kabilang sa mga uri nito ang malalaking titik, malaki-maliit, at pababa. Hindi tiyak kung ang tatlo lang na ito o ang lahat ng mga uri kasama ang pantay-kaliwa, pantay-kanan, bitin-pantay, inverted pyramid, crossline o barline, at flushline.
Kung sisipagin, pwede rin kayong maghanap ng iba't ibang uri ng editoryal.
// at dahil editoryal na next week, magkakaroon ng kunting pagbabago dito...
Ayon kay Gng. Guimarie, sa Lunes daw ipapasa ang balita tungkol sa mga organisasyong kinapanayam o kakapanayamin natin. Idinagdag niya rin ang isa pang takdang aralin kung saan maghahanap tayo ng limang halimbawa, Ingles man o Filipino, sa bawat uri ng Ulo ng Balita.
Kabilang sa mga uri nito ang malalaking titik, malaki-maliit, at pababa. Hindi tiyak kung ang tatlo lang na ito o ang lahat ng mga uri kasama ang pantay-kaliwa, pantay-kanan, bitin-pantay, inverted pyramid, crossline o barline, at flushline.
Kung sisipagin, pwede rin kayong maghanap ng iba't ibang uri ng editoryal.
// at dahil editoryal na next week, magkakaroon ng kunting pagbabago dito...
Takdang Aralin
Okay, mga dedikado. Dapat nakapanayam niyo na ang inyong mga dapat makapanayam para sa susunod na article natin! Isusubmit yun sa Monday ha, Monday. Sabi kasi ni Ma'am Guimarie na wag na hintaying magnext meeting, sa Monday na agad.
Wednesday, September 21, 2011
Mga Takdang-Aralin Para sa Susunod na Pagkikita
Mga dedikado! :))
Bukas, kailangan nating magsubmit ng folder na naglalaman nung 3 nating articles sa FilJourn. Ihahabol na lang sa Lunes yung article tungkol sa mga inassign sa atin kanina. Kaya simulan niyo na ring magset ng mga appointment para sa mga interviews niyo para di malate sa pagsubmit ng article!
Para sa mga extern: Magdala kayo ng mga tabloids para sa susunod nating pagkikita!
Para sa mga extern: Magdala kayo ng mga tabloids para sa susunod nating pagkikita!
Thursday, September 15, 2011
Ang Takdang-aralin Para sa Susunod na Linggo
Mga dedikado! :))
Dahil sa magaling nating schedule ngayong Linggo, isang pagkikita lang ang naganap sa ating elective na FilJourn. (Ang saya ko nga eh. :)) )
Ang takdang-aralin lang naman natin para sa susunod na linggo ay ang final draft ng ating mga artikulo tungkol sa talumpati ng dating Senador Migz Zubiri. Yun lang naman. :))
Subscribe to:
Posts (Atom)