Friday, September 23, 2011

Sangkatutak na Gawain, Isusumite Daw sa Lunes

TILA TINAMBAKAN tayo ng mga gawain ngayong weekend na isusumite daw sa Lunes, taong kasalukuyan.
   
Ayon kay Gng. Guimarie, sa Lunes daw ipapasa ang balita tungkol sa mga organisasyong kinapanayam o kakapanayamin natin. Idinagdag niya rin ang isa pang takdang aralin kung saan maghahanap tayo ng limang halimbawa, Ingles man o Filipino, sa bawat uri ng Ulo ng Balita.

Kabilang sa mga uri nito ang malalaking titik, malaki-maliit, at pababa. Hindi tiyak kung ang tatlo lang na ito o  ang lahat ng mga uri kasama ang pantay-kaliwa, pantay-kanan, bitin-pantay, inverted pyramid, crossline o barline, at flushline.

Kung sisipagin, pwede rin kayong maghanap ng iba't ibang uri ng editoryal.


          // at dahil editoryal na next week, magkakaroon ng kunting pagbabago dito...

No comments:

Post a Comment

Matapos ang budget cuts sa state colleges at universities, at ang inaasahang implementasyon ng K+12, masasabi nga bang ang kalidad ng edukasyon sa Pinas ay inversely proportional sa budget sa edukasyon?