Saturday, September 10, 2011

Bagyong Mina

Bayong Mina (pangalang pambuong mundo: Nanmadol)

http://www.ndrrmc.gov.ph/attachments/article/280/NDRRMC%20UPDATE%20re_%20Sitrep%2027%20TY%20_MINA_%20%28NANMADOL%29%2005SEPT2011.pdf <= Ito ang link na naglalaman ng huling balita mula sa NDRRMC. Isinasaad ng website na ito lahat ng mga naging epekto ng Bagyong Mina. Nandito na ang lahat ng inyong mga kakailanganin upang makagawa ng isang magandang artikulo.

Pinakamalakas na hangin ni Typhoon Mina: 195 km/h

Ito, mga artikulo galing sa Tagalog na pahayagang Inquirer Libre. *mukha ng saya*
"Sakahan sinira ni Mina
9 patay sa pagsalanta ng bagyo sa Cagayan Valley
Ni TJ Burgonio at Inquirer Northern Luzon
 Aug 29, 2011
DUMANAS ng matinding pinsala ang mga sakahan sa Cagayan Valley bunga ng mala-ipu-ipong hangin at malakas na ulan ng Bagyong “Mina” na humagupit sa dulo ng Hilagang Luzon nitong Sabado, anang mga opisyal.
“Our people are ready. Sadly, it is our crops that aren’t,” ani Batanes Gov. Vicente Gato kaugnay sa pagsira ng bagyo sa mga pananim sa kanyang probinsya.
Pinakamalakas na bagyong tumama sa bansa ang Mina na nagpaguho ng lupa, nagbunsod ng baha, nagpabagsak ng mga pader at nag-iwan ng hindi bababa sa siyam na patay at anim na nawawala, ayon sa mga ulat na natanggap ng Inquirer.
Ang paglikas ng maraming residente mula sa mga peligrosong lugar ay nakatulong para hindi na dumami pa ang bilang ng namatay, sabi ni Benito Ramos, pinuno ng Office of Civil Defense.
Ayon sa mga ulat, 1,420 ektarya ng palay at 596 ektarya ng mais sa Cagayan ang sinalanta ng hangin na may bilis na 170 kph. Umabot sa P10 milyon ang nasirang pananim.
Sinabi ni Mayor Carlito Pentecostes Jr. ng bayan ng Gonzaga na halos kalahati ng taniman nila ng palay at mais ang nawasak. “This is severe considering most of our farmers are expected to harvest their crops starting on the first week of September,” aniya.
Hindi naman bababa sa 2,000 ektarya ng palay at mais ang napinsala sa Isabela, ayon sa mga paunang ulat.
Humina ang Mina kahapon pero binayo muna ang Batanes bago lumabas papuntang Taiwan.

Aug 30, 2011
BABALA NG PAGASA
Malalakas na bagyo padating
Ni Kristine L. Alave at Inquirer Northern Luzon
MATAPOS isara ng Super Typhoon “Mina” ang Agosto na may 15 patay at malawak na pinsala sa hilagang Luzon ay nagbabala naman ang weather bureau na ilan pang bagyo na kasing lakas niyon ang inaasahang tatama sa bansa sa pagpasok ng mga buwang may “ber.”
Sinabi ni Nathaniel Servando, administrador ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), na sumapit na ang panahon kung kailan namumuo ang malalakas na bagyo sa Pasipiko.
Ayon kay Servando, inaasahan ang pagdating ng mababangis na bagyo simula Setyembre hanggang Disyembre.
“Starting September to the last quarter of the year, we expect stronger land-falling typhoons,” ani Servando.
Aniya, sa mga buwan na ito bumababa sa timog bahagi ng mundo ang Intertropical Convergence Zone, ang lugar malapit sa equator kung saan nagsasalubong ang mga hangin mula sa hilaga at timog.
Dito nalilikha ang mga malalakas at mababangis na bagyo, dagdag niya.
Ang Mina ang pinakamalakas na bagyo na tumama sa bansa sa kasalukuyan kaya itinaas ng Pagasa sa Storm Signal No. 4 ang bagyo sa ilang probinsiya. Umabot sa 195 kph ang ihip ng hangin at 230 kph ang bugso ng Mina."

Mga pinagkuhanan ng impormasyon:
- http://newsinfo.inquirer.net/51119/mina%E2%80%99s-rains-still-torment-metro-luzon
-http://www.ndrrmc.gov.ph/attachments/article/280/NDRRMC%20UPDATE%
20re_%20Sitrep%2027%20TY%20_MINA_%20%28NANMADOL%29%2005SEPT2011.pdf 
- Ang pahayagang Inquirer Libre

//Paumanhin, pilit na pilit ang aking Tagalog. *Tawa*

No comments:

Post a Comment

Matapos ang budget cuts sa state colleges at universities, at ang inaasahang implementasyon ng K+12, masasabi nga bang ang kalidad ng edukasyon sa Pinas ay inversely proportional sa budget sa edukasyon?